Showbiz Portal
Angel, walang inggit kay Marian!
Home

angelmarian.jpg

MAY mga nagsasabi na tinalbugan na nang husto ni Marian Rivera si Angel Locsin, kung paramihan ng endorsements ang pag-uusapan. Ano ang masasabi ni Angel?

“Walang plastikan, pero I’m happy for her. I’m happy for myself, dahil meron din naman akong mga endorsements na hindi ako pinababayaan!” sabi ni Angel.

Wala nga raw dahilan para mainggit si Angel kay Marian, lalo na at patuloy na dumarating ang mga blessings sa kanya.

Ngayon nga ay ipalalabas na ang pelikula nila ni Piolo Pascual na Love Me Again (Land Down Under) na prodyus ng Star Cinema.

At happy si Angel na marami ang pumupuri sa pelikula nila ni Piolo.

Anyway, ngayong papasok na ang 2009, wala raw maisip na New Year’s Resolution si Angel.

“Hindi kasi namin nakaugalian sa pamilya `yung ganun. Pero, palaging sinasabi ng tatay ko na pagbutihin ko at alagaan ko ang anumang bagay na darating sa akin,” sabi na lang ni Angel.

ABANTE ONLINE