Showbiz Portal
New Year's Resolutions
Home

TAUN-TAON ay nag­lalabasan ang New Year’s Resolution ng mga artista. May iba na nagagawang tuparin `yon, pero marami rin ang hindi talaga nakakatiis at ginagawa pa rin ang kanilang nakaugalian.

Anyway, narito ang New Year’s Resolution ng mga artistang nakatsikahan namin:

KC CONCEPCION: “Siguro ano lang, drink less wine. At saka, ita-try ko rin na at least, 30 minutes early ako palagi sa lahat ng mga appointments ko.”

JERICHO ROSA­LES: “Napapansin ko na palagi akong nata-traffic! So ngayon, kailangan kong gumising ng maaga at matulog ng maaga.”

RUFA MAE QUINTO: “Less involvement sa mga intriga! Naku, sa rami ng mga kung anu-anong pag-i-involved sa akin sa kung ano-anong intriga at pagli-link sa kung kani-kanino, ‘yun ang resolution ko na dapat magawa this new year!”

MARIAN RIVERA: “Kailangan ko pang maging matatag sa lahat ng mga pagsubok na mae-encounter ko. At saka, wala rin namang makakatulong sa akin kundi sarili ko, si Lord at mga taong nagmamahal sa akin. Basta mas maging matatag pa ko!”

AI AI DELAS ALAS: “Sana maipagpatuloy ko ang pagiging celibate ko hanggang 2009! Sana Lord, mapanindigan ko talaga!”

OGIE ALCASID: “I want to eat healthier. Actually, sinisimulan ko na rin ‘yun, pero, kailangan mas maging disiplinado pa ko dahil hindi na rin naman ako ganoon kabata. At ‘yung age ko, med­yo nagkakaroon na rin ako ng mga sakit-sakit.”

DENNIS TRILLO: “Ang New Year’s Resolution ko, gagawin kong mas healthy ang sarili ko ngayong taon. Kasi, nitong nagdaang taon, palagi akong puyat dahil sa trabaho. Minsan, nakakalimutan ko ang mag-exercise. Ngayon, sisikapin kong matulog ng maaga at mag-exercise regularly.”

BARON GEISLER: “Actually, isasama ako ni Kuya Ipe (Phillip Salvador) sa youth camp, mga 3-days kami roon. No smoking, no drinking. Sana magawa ko na wala na talaga lahat ‘yun.”

GERALD ANDERSON: “Last year kasi, ang dami kong binibili. So, this 2009, gusto kong matutong mag-budget at mag-ipon!”

JAKE CUENCA: “Gusto ko lang maging mas mature! 21 na ko. At paninindigan ko na talaga ang pagiging adult ko. Gusto kong makita ng mga tao sa pali­gid ko na responsible, disip­linado, relihiyosong tao ako.

‘Yun ang gusto kong gawin next year.”

DINGDONG DANTES: “Siyempre sa sobrang dami ng trabaho, may time na mas nale-lessen Ang time with the family. Siguro nga­yong 2009, pipilitin kong mapagsabay both work and more time with fa­mily and you know, i-enjoy ko lang kung ano ang lahat ng dumara­ting sa buhay ko and just continue kung anuman ang mga nasi­mulan ko na lalung-lalo na sa trabaho.”

ABANTE ONLINE